Mga Tao Sa Loob Ng Barkada

Alam niyo naman na siguro na ang isang barkada ay binubuo ng iba't ibang tao na may iba't iba ring katangian. Ngayon ay bibigyan ko kayo ng iilang katangian na nasa loob ng isang grupo.

1. The Speaker 

     - ito yung kaibigan na kapag magsasalita ay parang nasa magkabilang bundok kayo. Sa ingay niya mapapalingon ang ibang tao sa inyo lalo na kapag kayo ay nasa public place. Siya 'yong palaging nakakaagaw ng atensyon. Inborn na pagiging maingay nito kaya magtaka ka na kung tatahimik 'to bigla.

2. The Newscaster o mas kilala bilang "The Chismosa"
     - ito yung kaibigan na palaging may dalang balita. Kumbaga ba hindi makukumpleto ang araw nito kapag hindi nakasagap ng chika. Minsan sa klase siya 'yong nangunguna sa listahan ng mga noisy. At dahil sa pagiging chismosa niya, siya 'yong madalas na may pinaka-maraming kaibigan/kaaway sa grupo niyo.

3. The Richkid o mas kilala bilang "Taga-libre"

     - ito yung kaibigan mo na minsan mo lang makitaan ng barya sa wallet niya. Siya 'yong laging nag-aaya ng gala pero minsa'y nauuwi sa libre niya lahat. Siya 'yong maaasahan kapag walang laman wallet niyo. Ito rin 'yong madalas na bumibili ng materials kapag may group project tapos hindi tutulong.

4. The Matakaw
     - ito yung kaibigan na ang motto ay "Food is life." Madalas ito 'yong kain ng kain tapos hindi tumataba. Karelasyon nito ang pagkain. Ito rin madalas 'yong nagpapalibre kay number 3. Sasabihan mo lang ito ng "Ui bes samahan mo naman ako, ililibre kita" dadaigin pa nito si The Flash sa bilis makapunta sa bahay niyo.

5. The Mahinhin daw
     - ito yung kaibigan niyo na ang laging first impression sa kanya ng mga tao ay "mahinhin" pero di nila alam na nasa loob ang kulo  nito. Siya 'yong daig pa ang dalagang Pilipina kapag nasa public place kayo pero parang takas sa mental kapag walang ibang tao. Madalas ito maging baliw kapag kayo ay nasa bahay ng kaibigan niyo.

6. The Famous
     - ito yung kaibigan mo na kapag dadaan sa hallway kaliwa't kanan ang babati. Kapag naman dalawa lang kayo magkasama, para ka lang P.A. niya. Ito yung kaibigan niyo na sinalo lahat ng kagandahan/kagwapohan noong nagpaulan. Supplier niyo rin ito ng chocolate kasi marami itong admirer. Sa kanya ibinibigay ang chocolates pero kayo ang taga-kain.


7. The Bookworm
     - Kung ang motto ni Matakaw ay "Food is Life." Ang motto naman nito ay "Book is life.". Sa grupo niyo siya ang may relasyon sa fictional characters. Siya madalas ang source niyo kapag may quiz. Kapg naman ito ang unang nag-aya ng gala, asahan niyong bookstore ang una niyong destination.

8. The Music Lover
     - Ito yung kaibigan niyo na may relasyon sa musika,headphones,singers at mga banda. Motto naman nito ay "Music is Life.". Kapag kayo ay nalagi sa kwarto niya, asahan mong puno ng posters ang dingding niya. Pwede ring pati bedsheet at mga unan niya ay ang kanyang paboritong singer/band ang design. Puno din aang gallery nito ng pictures ng kanyang mga iniidolo na pati wallpaper at lock screen isama na rin natin ang password ay connected sa idols niya. Ito 'yong kaibigan niyong may sariling mundo kapag nonsense ang topic niyo.

9. The Globe
     - Ito ang kaibigan niyo na go lang ng go kahit walang pera. Sasama-sama sa gala tapos magpapalibre. Siya pa 'yong unang-una na magyeyes at magsasabing "Sasama ako" tapos walang dalang pera. Mabuti kung nadiyan si Richkid kasi siya sasagot kay Globe. Siya madalas problema ng barkada kasi sasama-sama tapos walang dalang pera. Magpasalamat na rin kayo sa Poong Maykapal kung manglilibre ito.


10. The Mama's boy/girl
     - ito yung kaibigan niyo na kapag tatanungin ng "Sasama ka?", ang isasagot nito ay "Magpapaalam muna ako kay Mama" o kaya naman "Tanong niyo kay Mama kung papayagan ako". Kung gusto niyong sumama ito sa gala niyo, maghanda kayo ng letter na ibibigay sa Mama niya tapos sa bandang huli ilagay niyo "'Wag kang mag-alala tita, iuuwi po namin ng buhay at walang sugat ang anak niyo" tapos dapat may pirma ninyong lahat.                                   

Ang barkada mo ang tatayong ikalawang pamilya mo. Sila yung ikalawang tao na handa kang gabayan at mahalin pati mga pagkakamali mo. Sila rin 'yong malalapitan mo sa tuwing may problema kayo sa pamilya kaya naman TREASURE THEM LIKE HOW YOU TREASURE YOUR FAMILY BECAUSE THEY ARE YOUR SISTERS/BROTHERS IN ANOTHER WORLD. You may not be related by blood but you're related and connected by heart.

P.S. Be careful din sa pagpili ng kakaibiganin kasi hindi lahat totoo.

Kung may nakalimutan akong i-mention sa taas, Don't hesitate to put it in the comment section. SPREAD LOVE AND CRAZINESS EVERYONEEEEEE~


-Shassygurlđź’•

Comments